Huwebes, Marso 11, 2010

HAMON NG MGA FILIPINO MAJORS

Ang pagiging isa mga estudyanteng nagpapakadalubhasa sa larangan ng asignaturang Filipino ay hindi madali. Nandiyan ang lahat ng mga negatibong mga komento mula sa ibang mga tao na iyong maririnig. Isa na rito ang pagbansag sa amin ng : "mga salitang ugat". Kung tutuusin ito ay biro-biro lamang ngunit sa panig naming mga nagpapakadalubhasa ay masakit sa kadahilanang kung sila lang ang nasa aming mga katayuan hindi madali ang pagiging isang FILIPINO MAJOR sapagkat katulad ng ibang mga kursong pinagdadalubahasaan ng iba ikaw ay dadaan sa butas ng karayom para lamang maunawaan ang mga katangian ng isang kurso.
Kung ating mapapansin ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan, ang ating kultura ay unti-unti nang napapabayaan dahil sa impluwensiyang dulot ng ibang bansa. Nakakapanlulumong gunitaing tayo ay mga mamamayan sa ating bansa ngunit maituturing din naman tayong dayuhan sa ating kabihasanan, kultura, at lalong lalo na sa ating wika dahil hindi natin lubos itong pinapahalagahan ang mga ito na sa halip pagyamanin ay ikinahiya. Oo nga naman at may iilan din naman diyan na may pagpapahalaga pa rin sa ating kultura at wika ngunit iyon ay iilan lamang sa malaking bahagdan na nasilaw sa kultura ng iba.
Ang mga nabanggit na mga sitwasyon ay isa lamang sa mga malalaking hamon na kinahaharap ng mga Filipino majors bunga ng pabagu-bagong anyo ng panahon sa pag-usad nga mga araw at taon dulot nito ay ang pagbabago rin ng uri at kapasidad ng pag-iisip mayroon ang kabataan. Hindi madali ang pagapapamana ng kaisipan sa kabataan sa makabagong henerasyon bunga nga mga pagbabagong nagaganap sa lipunan na naging daan upang mahirapan ang bawat isa na maikintal ang mga kaisipan hinggil sa kultura at panitikan ng bansa.
Nawa'y ang ang paunti-unting pagkawala ng pagpapahalaga sa ating kultura, wika at panitikan ay mapupunan ng isang mapag-ibayong pagtuturo nang sa gayun ay mapayabong at mapayaman ang ating sariling kultura lalong lao na ang pagakakakilanlan ng ating lahi.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento